-- Advertisements --

Sinuspinde muna ang trabaho sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang magkaroon ng disinfection, matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang tauhan ng tanggapan.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, bahagi ito ng pag-iingat upang maiwasan pa ang pagkalat ng nasabing sakit.

Nabatid na apat ang naitalang positibo sa rapid test at confirmatory swab test.

“Upon the recommendation of the MMDA COVID-19 committee, we have decided to suspend the operations at all our offices for sanitation and disinfection to protect not only our personnel but also the transacting public against the virus,” wika ni Chairman Lim.

Payo naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia, maaaring mag-konekta muna sa kanilang website, social media accounts o tumawag para sa anumang transaksyon.

Agad umanong maglalabas ng abiso kapag nagbalik na sila sa normal na operasyon.