-- Advertisements --

Nanguna ang tambalan nina dating Sen. Bongbong Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte sa presidential at vice presidential survey ng Manila Bulletin at Tangere.

Isinagawa ang nationwide survey noong Enero 18 hanggang 19, 2022, na nilahukan ng 2,400 respondents.

Nanguna si Marcos sa presidential candidates na nakakuha ng 57.67 percent.

Habang first choice din ng mga respondents si Mayor Sara na nakakuha ng 53.17 percent sa vice presidential aspirants.