-- Advertisements --

Napatay ng Taliban ang Islamic State mastermind na siyang responsable sa 2021 Kabul airport bombing.

Ang nasabing pambobomba ay naganap noong Agosto 2021 kung saan 170 sibilyan at 13 sundalo ng US ang nasawi na lumilikas sa palabas sa Afghanistan.

Ayon sa US intelligence official na nakakalap ng mga intelligence report ang Taliban at doon isinagawa ang operasyon.

Inabisuhan na ng US ang mga kaanak ng nasawing sundalo ukol sa pagkasawi ng ISIS member na responsable sa atake.