-- Advertisements --
image 220

Ipinag-utos ng mga pinuno ng Taliban ng Afghanistan ang lahat ng national and international na non-governmental organizations (NGO) na pigilan ang kanilang mga babaeng empleyado sa pagtatrabaho pagkatapos ng malubhang reklamo tungkol sa kanilang dress code.

Sususpindihin ang operating license ng mga non-government organizations (NGOs) na mabibigong ipatupad ang nasabing direktiba.

Ang hakbang ay umani ng mabilis na internasyonal na pagkondena, kung saan nagbabala ang mga gobyerno at organisasyon sa epekto sa mga serbisyong humanitarian sa isang bansa kung saan milyun-milyon ang umaasa sa tulong nito.

Ang pinakahuling paghihigpit ay dumating wala pang isang linggo matapos ipagbawal ng mga awtoridad ng Taliban ang mga kababaihan sa pag-aaral sa mga unibersidad, na nag-udyok sa pandaigdigang pagkagalit at mga protesta sa ilang lungsod sa Afghanistan.

Bagama’t nangako ang Taliban ng isang mas maayos na anyo ng pamumuno nang bumalik sila sa kapangyarihan noong Agosto noong nakaraang taon, sa halip ay nagpataw sila ng malupit na paghihigpit sa mga kababaihan.

Ang abiso na ipinadala sa mga NGO, isang kopya nito ay nakuha ng AFP at kinumpirma ng isang tagapagsalita ng ministeryo sa ekonomiya, na binanggit ang mga seryosong reklamo tungkol sa hindi pagsunod sa Islamic hijab at iba pang mga patakaran at regulasyon na nauukol sa gawain ng mga babae sa national at international.

Una rito, nananatiling hindi malinaw kung ang direktiba ay nakaapekto sa mga dayuhang kawani ng kababaihan sa mga non-governmental organizations o NGOs.