-- Advertisements --
Hindi matitinag ang Taiwan sa anumang banta ng China.
Ito ang naging pahayag ni Taiwanese Vice President William Lai sa naging pagkondina ng China ng ito ay dumaan sa US habang patungo sa Paraguay.
Si Lai na siyang pangunahing kandidato sa pagkapangulo ng Taiwan sa halalan sa Enero ay nag-stop over muna sa New York.
Dadalo kasi ito sa inaguration ng bagong pangulo ng Paraguay.
Sa talumpati nito sa mga supporters niya sa New York na hindi kailanman mtatakot ang Taiwan dahil sa pinapahalagahaan nito ang demokrasya at kalayaan.
Magugunitang ikinagalit ng China ang pangingialam umano ng US sa pag-angkin nila sa Taiwan.