-- Advertisements --
Niyanig ng malakas na lindol ang northeastern Taiwan ngayong Linggo.
Base sa ulat ng central weather bureau ng Taiwan na ang naturang lindol ay may lakas na magnitude 6.5 habang base naman sa report ng US Geological Survey ito ay magnitude 6.2.
Ala-1:11 ng hapon nang yanigin nito ang northeastern Yilan county.
May lalim ang naturang lindol na 67 kilometers.
Sinundan ang main quake na ito ng magnitude 5.4 na aftershock, dahilan para pansamantalang itinigil muna ang operasyon ng MRT metro system ng Taipei.
Tumagal ang precautionary measure na ito ng hanggang isang oras bago bumalik sa opearasyon. (Agence France-Presse)