-- Advertisements --

Nagpaputok ng missile ang tropa-militar ng Taiwan malapit sa isla na nakaharap sa China sa isinagawang live-exercise ng bansa upang ipakita ang kakayahan nito na dumepensa laban sa posibleng pananakop ng China.

“We want the world to see our determination and efforts to protect our country,” saad ni President Tsai Ing-wen habang pinapanood ang naturang military exercise.

Parte ang drill na ito sa five-day annual exercise ng Taiwan na matatapos bukas.

Matagal nang pinaniniwalaan ng China ang Taiwan ay parte ng kanilang teritoryo. Ang naturang self-governoning island kung saan naninirahan ang nasa 24 milyong katao ay 160 kilometro ang layo mula sa southeast coast ng China.