-- Advertisements --

Ikinagalit ng Taiwan ang muling pagpapalipad ng China ng 18 fighter jets sa kanilang air defense zone.

Itinuturing ng gobyerno ng Taiwan na ito na ang pangalawang pinakamalaking pananakop ng China sa kanila.

Ang unang pinakamalaking pagpapalipad ng China ng kanilang eroplano ay noong Oktubre 2021 kung saan aabot sa 56 na mga warplanes ang nakapasok sa air defense identification zone (ADIZ) ng Taiwan.

Dahil sa pangyayari ay nagkumahog ang Taiwan na itaboy ang nasabing eroplano ng China gamit ang air defense missile system.

Kinabibilangang ng 12 mga J-11 at J-16 fighter jets ganun din ang dalawang H-6 bomber ang tumawid sa kanilang air defense zone.

Maguugnitang nasa banta ng pananakop ng China ang Taiwan dahil sa ipinipilit ng mga ito na bahagi pa rin sila ng kanilang bansa.