Itinanggi ng lokal na pamahalaan ng Tagaytay City, Cavite ang ulat na pinuwersa umano nilang palabasin ng lungsod ang isang confirmed COVID-19 patient.
Sa isang statement sinabi ng Tagaytay City government na may naging paglabag ang isang Agnes Reyes, 65, sa guidelines ng pamahalaan para sa quarantine at reporting ng confirmed case.
“The local government was merely complying with the guidelines set by the Department of Health (DOH) relative to the management of COVID-19 positive patients.”
Ayon sa LGU hindi residente ng lungsod si Reyes, gayundin na wala itong property sa Tagaytay. Nakikitira lang din daw ito sa kanyang kamag-anak para sa kanyang quarantine.
“Patient Reyes made false declaration when she claimed to be a resident of Tagaytay City to pass through checkpoints en route to Tagaytay.”
Sa isang panayam, sinabi ni Reyes na matapos niyang mag-positive sa unang test ay pinauwi siya ng hospital staff ng The Medical City dahil wala siyang sintomas.
Pero habang nasa gitna ng kanyang quarantine sa bahay ng kapatid sa Brgy. Caniogan ay nalaman nilang positive muli ito sa pangalawang test.
Sinabi rin ni Reyes, na isang bone cancer patient, na pinuntahan siya ng ilang pulis at DOH personnel noong gabi ng April 12 para sabihing kailanga niya umalis ng naturang bahay.
“Upon discovery of patient Reyes’ case, the local government immediately coordinated with Pasig City LGU, Medical City Pasig and the DOH-NCR.”
“DOH-NCR affirmed the LGU’s position that said patient should be transferred to an appropriate health facility and not home quarantined, hence, the arrangement for immediate transport and re-admission of patient at Medical City were made by the local government unit.”
Iginiit ng Tagaytay LGU na paglabag sa health protocols ang pagbiyahe ni Reyes papuntang lungsod habang hinihintay ang resulta ng pangalawang test.
Hindi rin daw ipinaalam ni Reyes sa health authorities ng Pasig ang kanyang planong paglabas ng lungsod kaya hindi ito na-endorse sa Tagaytay City government bilang receiving LGU.
“Ms. Reyes can be classified as belonging to the highly vulnerable group, and again as per DOH guidelines, she should be managed inside a hospital or any health facility designed for appropriate monitoring and management of COVID-19 patients.”
“Since patient Reyes failed to disclose to Pasig City health authorities that she well travel to Tagaytay City after being discharged from the Medical City, Pasig LGU was not able to undertake the necessary coordination with LGU Tagaytay City.”
Dagdag pa ng LGU sa Tagaytay na hindi nakipag-coordinate sa kanila si Reyes sa kabila ng kondisyon nito at nalaman na lang ang sitwasyon sa pamamagitan ng social media post.
“It was discovered that those coming into direct contact with patient Reyes, namely her son Mike Carlos Reyes and a household helper, were not appropriately protected with PPEs nor were they aware of how to appropriately manage the patient’s case.”
Batay sa datos ng DOH nitong April 20, nasa 215 na ang confirmed COVID-19 cases sa lalawigan ng Cavite.
Ang 107 sa kanila ay kasalukuyang admitted, habang 18 ang namatay. May 13 namang gumaling.
Sa ilalim ng DOH Administrative Order na may petsang April 17, 2020 nakasaad na kasali na ang COVID-19 sa listahan ng notifiable disease na kailangan ng mandatory reporting sa ahensya.










