-- Advertisements --

Asahan ang bahagyang pagluwag sa taas-presyo sa langis sa darating na linggo, kasunod ng ilang linggong “big time oil price hikes.”

Ito ay sa gitna na rin ng sinyales ng de-escalation ng geopolitical tensions sa Middle East.

Kahit mataas pa rin, inaasahang mas maliit ang magiging pagtaas sa presyo sa gasolina at diesel dahil sa pagbaba ng presyo sa merkado.

Base sa 4-day trading ng Mean of Platts Singapore, inaasahang mas magiging stable o bahagya lang ang itataas ng gasolina, ng hanggang P3 kada litro.

Inaasahan pa rin ang double-digit projections sa diesel na posibleng papalo sa P11 hanggang P12 kada litro ang umento.

Ang opisyal na price adjustment ay ia-anunsyo ng mga kumpanya ng langis sa araw ng Lunes at ipatutupad sa Martes.