Ibinunyag ng Pentagon na ilang beses silang tinarget ng Syria.
Sinabi ni Deputy Pentagon Press Secretary Sabrina Singh na ito ay maaring ganti ng Syria mula ng tamaan ng missiles ng US ang weapons storage facility na matatagpuan sa Syria na ginagamit umano ng mga Islamic Revolutionary Guard Corps (ICRC) ng Iraq.
Dagdag pa nito na dalawang multi-rockets ang kanilang naitala sa kanilang US at coalition forces sa Omar Oil Field malapit sa Mission Support Site Green Village, Syria.
Isa ring drone attack sa mga sundalo sa Mission Support Site Euphrates, Syria habang ikinasugat naman ng tatlong sundalo ng US sa rocket attacks ng Syria sa Green Village.
Ang ikaapat na atake ay naganap noong Huwebes ng umaga na tinarget ang mga sundalo sa Al-Asad Airbase, Iraq.










