-- Advertisements --
Kinansela ng organizers ng swimming competition sa Paris dahil sa mahinang kalidad ng tubig.
Ang nasabing kumpetisyon aniya ay bahagi sana ng 2024 Paris Olympics subalit dahil sa maruming kalidad ng tubig sa Seine ay hindi na nila ito itinuloy.
Sinabi ni World Aquatics President Husain Al-Musallam na sila ay labis na nadismaya dahil sa nasabing insidente.
Itinuturong naging dahilan ng pagkakaroon ng polusyon ay mula sa ilang araw na pag-ulan sa nasabing lugar.
Tiwala naman ang Olympic organizers na maayos ng mga namumuno ng Seine ang nasabing problema para sa Olympic competitions.










