-- Advertisements --
Pasok na sa ikalawang round ng Australian Open si Iga Swiatek.
Ito ay matapos na talunin niya si dating champion Sofia Kenin sa score na 7-6(2), 6-2.
Si Kenin na kampeon noong 2020 ay nakuha ang unang set sa 5-4 hanggang mai-tiebreak ni Swiatek.
Sa ikalimang laro ng second set ay hindi na pinabayaan ng Number 1 seed na makalusot pa si Kenin.
Target ng Polish player na si Swiatek na makuha ang ikalimang Grand Slam title pero ito ang kaniyang unang Australian Open title.