-- Advertisements --

Pasok na sa finals ng women’s French Open si Polish tennis player Iga Swiatek .

Ito ay matapos na talunin sa semifinal round si Daria Kasatkina ng Russia sa score na 6-2, 6-1 sa loob lamang ng 64 minuto para makapaglaro sa French Open finals ng ikalawang beses.

Makakaharap nito sa finals si Coco Gauff ng US.

Sakaling matalo ni Swiatek si Gauff sa finals ay mapapantayan na niya ang record ni Venus Williams na mayroong longest winning run.

Labis ang kasiyahan ng 21-anyos na si Polish player na makapasok sa finals at makaharap ang 18-anyos na si Gauff.