-- Advertisements --

Tinanghal bilang world champions ng International Tennis Federations (ITF) sina Rafael Nadal at iga Swiatek.

Ito ay matapos ang matagumpay nilang panalo sa iba’t-ibang torneo ngayong taon.

Nagwagi kasi si Nadal sa Australian Open at nakuha nito ang ika-14 na French Open ganun din ang pagkakuha nito ngayong taon ng kaniyang ika-22 na major titles.

Habang si Swiatek na naging number 1 ranking matapos talunin si Ashleigh Barty at nakuha ang ikalawang French Open ganun din ang US Open title.