Sabay-sabay na ipagkakaloob kanina ang premyo ng mga naanalo sa grand draw ng swerte sa palengke 2023, hatid ng bombo radyo at star fm, kung saan bahagi ito ng p6.5 million total prizes nationwide.
Ito ay matapos ang pag-validate ng entry data at ids ng mga naanalo.
Maliban sa mga naipamigay na pa-premyo magmula nang ilunsad ang promo, mas pinalaki at mas pinarami ang ating prizes hanggang sa grand draw!
May kabuuan 13 electric scooter o e-scooter na special prizes ang ating ibinigay bilang grand draw prizes sa apat na region: luzon, visayas, mindanao at national capital region.
Bukod pa ‘yan sa guaranteed prizes na 20,000 pesos, 10,000 pesos, 5,000 pesos at limang 2,000 pesos as consolation prizes sa 24 areas nationwide na may bombo radyo at star fm stations.
Tamang-tama sa mga nagtitipid sa pamasahe o gasolina ang e-scooter na dagdag premyo.
Madali lang itong gamitin dahil user-friendly at eco-friendly rin kaya naman makakatulong ka pa sa pagbawas ng air pollution.
Madali lang din itong dalhin dahil sa foldable feature nito.
Muli, congratulations sa mga nanalo, at abangan ang mga susunod pang mga promo ng bombo radyo Philippines.