Nanawagan si House Deputy Speaker Loren Legarda sa mga ahensya ng pamahalaan na isaprayoridad ang pagkakaloob ng sustainable livelihood programs sa mga mangingisda lalo na sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.
Ginawa ito ni Legarda matapos niyang inihain ang House Resolution No. 2472 para ipasilip ang mga umiiral na patakaran ng Department of Agriculture at ng BFAR hinggil sa pagtaas ng antas ng inaangkat na isda mula sa China.
Sa halip na unahin ang importasyon, iginiit ni Legarda na mas mahalaga ang kagyat na pagbibigay ng ayuda at mga kagamitan para sa kabuhayan ng mga mangingisda ng Pilipinas.
Para sa kongresista, dapat magpatupad ang gobyerno ng mga polisiya na magbabalanse sa pangangailangan ng bansa sa food security habang binibigyan naman ng proteksyon ang mga mahihirap na mangingisda.
Kung tutuusin, ang Pilipinas nga ainiya ang ika-lima sa mga bansa sa buong mundo na mayroong pinakamahabang coastlines bukod pa sa pagkakaroon ng malaki at mayamang bio-marine diversity.










