Inalis na ng Bureau of Corrections ang suspensyon sa pagbisita ng pamilya sa mga inmates ng New Bilibid Prison.

Ito ang kinumpirma ngayong araw ni BuCor spokesperson Wena Dalagan matapos umanong makumpleto ang clearing operations sa maximum security compound.

Magsisimula ang lifting ng suspension bukas, October 30.

Una ng sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na isa ang issue ng kaligtasan sa mga rason kung bakit pansamantalang sinuspinde ang visitation sa mga inmates.

Kamakailan kasi nang magkaroon ng demolisyon sa ilang gusali sa loob ng Bilibid.