-- Advertisements --
Nanindigan si suspended Department of Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista na inosente siya sa kautusan ng Office of the Ombudsman na sampahan ito ng kaso dahil sa may kinalaman sa onion smuggling.
Sinabi nito na wala itong anumang bahid na kurapsyon mula noong pumasok sa government service.
Naniniwala ito na mababaligtad din ang mga kasong isinampa laban sa kaniya.
Magugunitang bukod kay Evangelista ay pinasasampahan rin ng graft and falsification sina Food Terminal Inc. vice president for operations John Gabriel Benedict Trinidad III dahil sa pagmanipula umano sa presyo ng mga sibuyas.