-- Advertisements --
Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang dalawang suspek sa pamamaril sa isang traffic enforcer sa Tanza, Cavite.
Kasunod ito sa pagsuko ng mga suspek na si Joseph Llagas at Aries Carlos kay Cavite Governor Juanito Victor Remulla nitong Martes.
Ang dalawang suspek ay mabilis na tumakas noong Linggo matapos na barilin ang biktimang si William Merites Quiambao.
Sinita kasi ng traffic enforcer ang mga suspek dahil sa pagmamaneho ng lasing hanggang binaril na lamang nila si Quiambao na nagawa pang dalhin sa pagamutan subalit nasawi rin ito.