-- Advertisements --

Arestado ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek sa pamamaril na ikinasawi ng isang barangay kagawad at ikinasagat ng dalawang iba pa.

Kinilala ni QCPD Director Police BGen. Remus Medina ang suspek na si Jono Villarin.

Ayon kay Medina, si Villarin ay nahuli sa follow up operation sa Tumana St., Brgy. Bagong Silangan matapos na ituro ng kanyang kasama sa fraternity na testigo rin sa krimen.

Naaawa kasi ang testigo sa mga biktima kaya itinuro ang kanyang ka brad.

Nabatid na nitong March 17, nagpapatrolya lang ang tatlong kagawad ng biglang pagbabarilin ng suspek.

Nagalit kasi ito dahil sa madalas na paninita sa kanya ng mga tanod dahil sa game fixing sa basketball.

Naisugod pa sa ospital ang mga biktima pero dead on arrival na si Anabelle Espinosa.

Patuloy naman na nagpapagaling sina Seferino Laxamana at Merlita Cabagas.

Nahaharap ang suspek sa kasong murder at frustrated murder.