-- Advertisements --

MINNESOTA, USA – Humarap na sa kauna-unahang pagkakataon sa korte ang dating Minneapolis police officer na si Derek Chauvin na umano’y nakapatay sa black American na si George Floyd.

Matatandaang ang pagkamatay ni Floyd ang nagbunsod ng mga kilos protesta sa Estados Unidos, kung saan ang ilan sa mga ito ay nauwi pa sa karahasan.

Ang nakuhang video na dinadaganan ng tuhod ni Chauvin ang leeg ni Floyd, habang nagmamakaawa ang biktima ang isa sa sinasabing ebidensyang magdidiin sa dating police officer.

Naging mahigpit naman ang seguridad sa paligid ng korte sa panahon ng pagdinig. (BBC)