-- Advertisements --

Kinasuhan ng multiple hate crime charges ang lalaking suspek na nambugbog ng isang lola na Filipina ng mahigit 100 beses at tinadyakan pa sa Yonkers, New York.

Kasong second degree attempted murder bilang hate crime ang inihabla laban sa suspek na natukoy na si Tammel Esco, 42 at second degree ng attempted murder at first degree assault bilang hate crime, assault in first degree, three counts of second degree assault bilang hate crime at three counts of second degree of assault.

Ayon kay spokeswoman for Westchester District Attorney’s office, umapela ng not guilty ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya nang walang inirerekomendang piyansa.

Muling haharap sa korte ang suspek sa Agosto 2.

Una rito, nakuhanan sa isang surveillance video ang naturang insidente ng brutal na pag-atake ng suspek noong March 11 ng kasalukuyang taon sa 67-anyos na Asian woman na may Filipino descent.

Ayon sa prosecutors tinawag ng suspek ang biktima na “Asian bitch” bago nito atakehin.

Nakuhanan sa video na naglalakad noon ang biktima sa pasilyo ng kaniyang apartment building nang pumasok sa naturang gusali ang suspek at dumaan sa kaniyang likuran at sinuntok ang biktima sa ulo dahilan para matumba ito.

Pagkabagsak ng katawan ng biktima sinundan pa ng suspek na bugbugin ng mahigit 100 beses ang biktima at ilang beses na tinadyakan ang katwan nito at dinuraan pa ito.

Dahil sa insidente, nagtamo ng brain bleeding, multiple facial fractures at iba pang injuries ang biktima.

Magugunitang, tumaas ang bilang ng mga Asian nationals na nabibiktima ng hate crimes gaya ng verbal abuse at physical attacks sa Amerika mula ng magsimula ang COVID-19 pandemic dahil sinisisi ang mga Asyano na nagpakalat ng naturang sakit.