Napag-alaman ng mga otoridad na bukod sa mga baril na ginamit ng suspect na si Audrey Elizabeth Hale sa Nashville shooting ay mayroon pang mas maraming armas sa pangangalaga nito.
Ayon kay Metropolitan Nashville Police Chief John Drake, si Hale ay armado ng dalawang assault-style weapons at isang handgun nang isagawa niya ang naturang pamamaril, ngunit ang mga ito ay ilan lamang sa pitong armas na pag-aari niya at legal niyang nabili sa loob ng ilang taon mula sa limang tindahan nito sa bahagi lang din ng Nashville area.
Aniya, hindi alam ng mga magulang ni Hale na mayroon itong pag-aaring multiple firearmsm, dahil ang alam aniya nila ay iisang baril lamang ang mayroon ito na kalauna’y binenta din niya.
Bukod dito ay napag-alaman din ng mga otoridad mula sa mga magulang ng suspect na mayroon itong mental health concers dahilan kung bakit hindi ito nararapat na magkaroon ng sariling baril.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya ukol sa naturang insidente upang alamin kung ano ano ba ang posibleng motibo nito para gawin ang naturang pamamaril.
Kung maaalala, una nang nanawagan si US President Biden sa mga mambabatas na magpasa ng batas na maghihigpit sa pagbili ng mga assault rifles.