-- Advertisements --
image 138

Ibinabala ng Samahang Industriya ng Agrikultura na maaaring hanggang sa buwan ng Hulyo na lamang ang itatagal ng supply ng puting sibuyas sa bansa.

Ayon kay SINAG Pres Rosendo So, mababa na ang kasalukuyang stock ng puting sibuyas sa bansa, at sa mga darating na buwan ay maaaring kailangan nang umangkat sa ibang mga bansa.

Maaaring abutin aniya sa 7,500 metric tons ng puting sibuyas ang kakailanganing angkatin ng bansa upang matugunan ang pangangailangan ng mga consumer.

Kung hindi ito mangyayari, posible umanong itaas muli ng mga traders ang presyo ng puting sibuyas, katulad ng unang nangyari nitong nakalipas na taon kung saan P720 kada kilo, dahil sa kakapusan ng supply.

Batay sa monitoring ng Department of Agriculture, maraming merkado sa Metro Manila ang nagbebenta na ng puting sibuyas sa halagang P160 hanggang P200 bawat kilo, na mas mataas ng P20 kada kilo kumpara sa presyuhan sa mga nakalipas na buwan.

Ayon kay So, pagsapit ng Hunyo, maaaring lahat ng supply ng puting sibuyas sa merkado ay galing na sa mga warehouse na pag-aari ng mag traders.