-- Advertisements --
PBBM SURPRISE INSPECTION SA BIGAS

Ayon kay Department of Agriculture (DA) spokesman Arnel de Mesa, ito ay kasunod ng patuloy na harvest season at mga nakaraang import,

Binanggit niya na ang presyo ay bumaba sa humigit-kumulang P41 hanggang P45 kada kilo para sa well-milled rice at bumaba sa P38 hanggang P39 kada kilo para sa regular milled rice sa ilang mga lalawigan.

Sinabi ni De Mesa na ang kasalukuyang farmgate prices na itinakda ng National Food Authority (NFA), na nasa pagitan ng P22.50 kada kilo para sa dry palay at humigit-kumulang P18 para sa wet palay, ay makabubuti sa mga magsasaka.

Aniya, natutuwa ang mga magsasaka na nabibili ang kanilang bigas sa mas mataas presyo.

Tungkol sa buffer stock, sinabi ni De Mesa na ang bansa ay mayroong 94 na araw sa national stock inventory nito kasunod ng malakas na panahon ng ani ngayong buwan at ang halos 2.8 milyong metrikong tonelada ng bigas na inangkat sa unang kalahati ng taon.

Una na rito, muling iginiit ni de Mesa na hindi na kailangang muling ipatupad ang rice price ceiling sa bigas.