Nagbigay ng suhestyon si Senate Committee on Basic Education chair Sherwin Gatchalian na ibuhos na lang sa digital e-learning para sa mga guro ang pondo na nakalaan para sa mga ito sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).
Mas kailangan aniya ng mga guro na bumili ng kanilang gadgets, load at data plan para lamang maturuan ang kanilang mga estudyante.
Sa ilalim ng Bayanihan 2, P4 billiion ang nakalaan para sa ditial education, information, technology, digital infrastructure, at learning modalities.
Ngunit sa ngayon ay iniisip pa raw ng Department of Education (DepEd) kung saan gagamitin ang pondo.
Isinusulong naman ni Gatchalian at iba pang senador ang panukala na magdadagdag ng sllowance para sa mga supplies na kailangan ng mga guro ngunit hinihintay pa na isapinal ng kapulungan kung magkano ang idadagdag sa P3,500 na kasalukuyang natatanggap ng mga guro taon-taon.
Ayon pa sa DepEd, ang bawat guro ay makatatanggap din ng iba’t ibang benefits tulad ng P500 para sa annual medical examination, P500 hazard pay, P500 kada araw sa pagtatrabaho sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ) maging P1,000 incentives tuwing World Teacher’s Day.