Pursigido ang Kamara na ipasa ang panukalang batas na magtataas sa sahod na natatanggap ng mga nurses sa mga pampublikong ospital at institusyon.
Sinabi ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, nakausap na niya si Speaker Alan Peter Cayetano ukol dito at tiniyak n
Pursigido ang Kamara na ipasa ang panukalang batas na magtataas sa sahod na natatanggap ng mga nurses sa mga pampublikong ospital at institusyon.
Sinabi ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, nakausap na niya si Speaker Alan Peter Cayetano ukol dito at tiniyak nito sa kanya na maitataas ang sahod ng naturang mga public nurses.
Susubukan aniya nilang maihabol ngayong taon ang dagdag na sahod ng mga nurses na nasa Salary Grade 11 at gawing Salary Grade 15 alinsunod sa naging desisyon kamakailan ng Korte Suprema.
Sinabi ni Defensor na maaring hugutin ang pondong gagamitin dito sa miscellaneous personnel benefit funds sa ilalim ng 2019 national budget.
Nabatid na sa kasalukuyan ay aabot sa 30,000 ang mga nurses sa mga public hospitals at institutions sa bansa, pero hindi pa matukoy sa ngayon ni Defensor kung ilan dito ang magbebenepisyo sa kanyang panukala.
Samantala, isa sa mga kinokonsidera rin na mapagkukuhanan ng pondo para rito ayon kay Defensor ay sa pamamagitan ng supplemental budget o hintayin na lamang na maisabatas ang Salary Standardization Law 5.
“I spoke with the Speaker because I wanted to be clear of having the support of the House pag pasa namin ng resolusyon. Noong tumawag ako, nagulat ako because he already coordinated with Sen. Bong Go, of the Committee of Health in the Senate, and they are also coordinating with DBM. SO they are now in fact on the process of working on that,” ani Defensor sa isang panayam.
ito sa kanya na maitataas ang sahod ng naturang mga public nurses.