-- Advertisements --

Sapat ang suplay ng murang P20 kada kilong bigas hanggang sa katapusan ng 2025 ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ginawa ni DA spokesperson ASec. Arnel de Mesa ang pagtitiyak dahil mayroon pa aniyang 400,000 metrikong tonelada ang kasalukuyang nasa imbentaryo ng National Food Authority (NFA) na katumbas ng 250 million metric tons (MT) ng bigas.

Ayon sa DA official, maaari pang madagdagan ang inisyal na inilaang 250,000 metrikong tonelada para sa subsidized rice program ng gobyerno.

Sa kasalukuyan, ibinibenta ang murang bigas para sa mga vulnerable sector tulad ng senior citizen, person with disabilities (PWDs), solo parent at mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na pinalawig na rin sa mga minimum wage earners.

Ang mga household na kwalipikadong benepisyaryo ng programa ay maaaring bumili ng hanggang 30 kilo ng bigas kada buwan.