-- Advertisements --
palengke itlog white egg

Nananatiling bahagyang matatag ang suplay ng itlog sa bansa kasabay ng inaasahang pagbaba sa demand para sa tinaguriang pangunahing pinagkukunan ng protein bunsod ng patuloy na nararanasan ng mga pamilyang Pilipino na mataas na presyo ng ibang food commodities ayon sa United broiler Raisers Association (Ubra).

Ayon kay Ubra chair Gregorio San Diego, mababa ang produksiyon ng itlog simula pa noong huling quarter ng taong 2022 dahil maraming mga magsasaka nawalan ng kita bunsod ng global outbreak ng bird flu o avian influenza.

Inaasahan naman na bababa ang demand sa naturang commodity dahil maraming mga consumers ang naghihigpit ng sinturon sa kanilang food expenses para ilaan sa mahahalagang bagay gaya ng pagbabayad ng kanilang bill sa kuryente at tubig.

Ang pagbaba aniya sa demand sa itlog ay maaaring magbunsod sa pagbaba ng presyo nito.

Una rito, base sa monitoring report nito lamang Huwebes ng Department of Agriculture (DA), pumapalo sa P7 hanggang P9 bawat piraso ang presyo ng medium-sized eggs.