
Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas na sapat ang suplay ng bagong mga banknotes o perang papel at barya sa bansa sa gitna ng surge sa currency demand ngayong holiday season.
Ayon sa BSP ang demand para sa bagong pera ay sumipa ngayong Christmas season kasabay na rin ng tradisyunal na pagbibigayan nating mga Pilipino ng cash o coins bilang regalo o aguinaldo sa ating pamilya at kaibigan.
Batay sa historical bank withdrawal data mula noong Oktubre hanggang Disyembre ng taong 2019 hanggang 2021, ayon sa cnetral bank na ang pagtaas sa demand sa salapi ay nag-umpisa noong buwan ng oktubre at nagpapatuloy hanggang Disyembre ng bawat taon.
Pinakamataas na demand sa denominasyon ng pera sa nasabing period ay 1000, 100 at 50 piso banknotes habang 20 piso, 1-piso at 25 sentimo naman sa coins.
Inaabisuhan naman ng BSP ang publiko na mayroong hawak na unfit banknotes at coins na ipalit ito sa bagong salapi sa kanilang depository banks nang walang dagdag na charge bilang bahagi ng efforts na recirculation ng fit currency.
Halimbawa ng unfit banknotes ay marumi, may mantsa, hindi malinaw na mga sulat, at may kupas na letra habang mga hindi angkop na barya ay may mga marka at palatandaan ng corrosion.










