-- Advertisements --
Sumiklab ang sunog sa Block 32 Extension sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City kaninang umaga.
Ayon sa Bureau of Fire Protection,pasado alas-6:52 ng umaga nag-umpisa ang sunog at umabot na sa ika-limang alarma.
Kaagad naman inilikas ang apektadong pamilya na kasalukuyang nanunuluyan sa Andres Bonifacio Integrated School.
Pinatay na rin ng Meralco ang suplay ng kuryente sa paligid ng Block 32 upang hindi na makadagdag pa sa sunog.
Umabot na sa halos 21 truck ng bumbero ang rumesponde sa sunog at patuloy pang nadagdagan para mag-suplay ng tubig.
Sinabi ng BFP na gawa sa mga light material ang mga bahay sa Block 32 kaya pahirapan ang pag-apula sa apoy.