-- Advertisements --
Umabot sa 11 oras bago tuluyang maapula ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog sa isang bodega sa Veterans Road, Western Bicutan sa lungsod ng Taguig.
Pasado ala-singko ng hapon nitong Martes ng magsimula ang sunog kung saan itinaas pa sa ikatlong alarma ito.
Nagtulong-tulong ang mga iba’t-ibang mga bumbero sa lugar.
Inaalam pa ngayong ng mga otoridad ang pinagmulan ng nasabing sunog sa lugar.