-- Advertisements --

Nakausap na ni British Prime Minister Rishi Sunak si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Ito ang isa sa ginawa ni Sunak mula ng pormal itong maupo bilang bagong Prime Minister ng United Kingdom.

Isinagawa nito ang tawag para tiyakin sa Ukraine na buo ang suportang ibibigay ng UK laban sa pananakop ng Russia.

Gaya ng mga suporta na ipinakita ng mga pinalitan niyang lider ng UK ay magiging mas matindi pa ito.

Tinawag naman ni Zelensky ang pag-uusap nilang dalawa bilang makabuluhan dahil sa nakakasiguro na sila ng suporta mula sa ibang bansa.