KORONADAL CITY- Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang bayan ng Palimbang, Sultan Kudarat pasado alas-4:00 ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS), may lalim itong 470 kilometers at tectonic ang origin.

Inaasahan na rin ang aftershocks kasunod ng lindolkaya nagpalala ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Palimbang, Sultan Kudarat sa mga mamamayan nito na manatiling alerto at siguraduhing ligtas ang kanilang sarili at pamilya.

Sa ngayon naka monitor pa rin ang mga otoridad dahil ang Palimbang ay isang coastal town na prone sa Tsunami mula sa Celebes Sea.

Kung maalala nitong nakaraang mga araw ilang mga lindol din naitala sa ilang bayan sa Rehiyon 12.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here