-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nagkakaroon ngayon ng suliranin sa supply ng kuryente at internet connection matapos yumanig ang 5.6 magnitude na lindol sa West Java sa Indonesia.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Lyn Dolor ng Jakarta, Indonesia na halos isang milyong katao ang nakaramdam ng pagyanig at maraming mga bahay at mga gusali ang nasira ng malakas na lindol.

Sinabi ni Dolor na halos 13,000 katao ang naapetkuhan ng lindol at 2,217 na kabahayan ang nasira habang apat na gusali ng pamahalaan ang nasira; tatlong educational facilities ang nasira habang isang hospital ang tuluyang bumagsak.

Isang islamic boarding school ay totally damage.

Ang mga taong nawalan ng bahay ang natutulog na lamang sa open space sa kabila na bulubundukin at malamig sa lugar na sentro ng lindol.

Buong puwersa na anya ng pamahalaan ang tumutulong ngayon sa mga naapektuhan ng lindol.

Pangunahin anya ngayon pangangailangan ng mga biktima ng lindol bukod sa pagkain at higit din nilang kailangan ang mga Doctor at Nars

Umaasa naman ang mga rescuers na hindi muna uulan habang isinasagawa nila ang rescue operations upang hindi muling magkaroon ng landslide sa lugar na sentro ng lindol.