-- Advertisements --
ILOILO CITY – Isang sugatang dolphin ang sumadsad sa baybayin ng Brgy. Sapa, Miagao, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Punong Barangay Judy Nemiada, sinabi nito na mismo ang mga residente na naglalakad sa aplaya ang nakakita sa sugatang dolphin na lumalangoy sa bandang baybayin ng dagat.
Sinubukan nila itong sagipin upang ibalik sa dagat pero patay na ito nang muli nilang makita.
May sugat umano ang dolphin sa palikpik na tinatayang dalawang pulgada.
Nakatakda namang isailalim sa necropsy ang dolphin upang malaman ang sanhi ng pagkamatay nito.