NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos na pagsasaksakin sa Tayabas City.
Kinilala ang biktima na si Aldwin Lavado Rato, 24, residente ng Brgy. Ibabang Ilasan sa nasabing lungsod.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang dumadalo ng victory ball ang biktima ng bigla na lamang umanong dumating ang mga suspek na sina Randy Ramilo at Danilo Raton Jr., residente rin ng nasabing lungsod na armado ng patalim at bigla na lamang pinagsasaksak si Rato.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa nasabing insidente, nagtamo ng mga tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa pagamutan para sa asisntensya medikal.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad lalo na ang pagtukoy sa kinaroroonan ng nasabing suspek.