-- Advertisements --
image 193

Dalawang bagay ang hinihingi ng mga magsasaka para mapababa ang presyo ng bigas sa bansa habang napapanatiling mataas ang farm gate prices.

Ayon sa Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. na hindi maaaring ibagsak ang farmgate prices o presyo ng pagbili ng palay mula sa mga magsasaka dahil nasa mahigit P12 kada kilo ang presyuhan dahil sa taas na rin ng fertilizer at ng langis. Hindi din naman aniya maaaring pabayaan ang mga magsasaka na hindi kumita dahil mawawalan ng magsasaka ng mga palay kung wala silang kikitain.

Isa pa sa kahilingan ng mga magsasaka ay dapat magbigay ang pamahalaan ng financial aid kung nais nito na mapababa ang presyo ng bigas. Maaari aniyang maibaba ang presyo ng bigas basta’t mayroong ibibigay na subsidiya sa mga magsasaka na tatamaan dahil hindi maaaring maisakripisyo ang kapakanan ng mga ito para sa kapakanan ng konsyumer bagkus dapat ay win-win solution

Una ng sinabi ng Pangulo na siyang kasalukuyang Agriculture chief ng bansa na ang bigas na ibinibenta sa Kadiwa stalls at ng National Food Authority (NFA) ay nasa P25 kada kilo.

Kayat nakikitang malapit ng maabot ang kaniyang mithiin na mapababa ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo subalit dahan-dahang paraan dahil wala aniyang magawa sa ngayon bunsod ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at iba pang pangyayari sa ibang bansa na wala tayong kontrol.