-- Advertisements --
Pumanaw na ang co-host ng sikat na variety show na “Student Canteen” na si Leila Benitez sa edad 89 dahil sa kumplikasyon ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Gerry Roses kung saan sa bahay nito sa New York City pumanaw ang ina.
Naging original host si Benitez ng sikat na variety show na unang sumikat sa radyo bago lumipat sa telebisyon noong 1950.
Kasama niya sa host sina Eddie Ilarde, Bobby Ledesma at Pepe Pimentel.
Dekada ’70 ng lumipat sa United States si Benitez at doon na niya pinalaki ang anak.