-- Advertisements --

Inaasahang tataas ang stock ng bigas sa Pilipinas ngayong Oktubre dahil sa inaasahang maaani na 1.9 million metrikong tonelada ng bigas.
Ayon kay Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry Director Glenn Panganiban, inaasahang magtatagal ang suplay ng bigas hanggang 74 araw na tumaas mula sa 52 noong Setyembre.
Bunsod na rin ito ng inaasahang malakihang ani para ngayong buwan at sa Nobiyembre kayat asahan aniya ng publiko na magiging stable o matatag ang suplay ng bigas.
Una ng sinabi ng DA na magsisimulang mag-stabilize ang mga presyo ng palay at bigas kasabay ng pagsisimula ng anihan ng mga magsasaka noong Setyembre at Oktubre.










