-- Advertisements --
Siniguro ni Golden State Warriors head coach Steve Kerr ang pananatili nito sa koponan, sa kabila ng papatapos na niyang koponan.
Ayon kay Kerr, na siya ring naging head coach ng Team USA sa nakalipas na FIBA 2023, nais niyang manatili sa Golden State.
Ibinunyag din ng batikang coach na gusto pa siya ng GSW management na manatili bilang head coach sa panibagong season at sa susunod pang mga NBA Season.
Si Kerr ay may kabuuang record na 473-238 sa loob ng siyam na taong pananatili bilang head coach ng Golden State.
Sa kanyang liderato, nagawa ng Warriors na maipanalo ang hanggang apat na kampeonato at kabuuang anim na kabuuang Finals trip.
Siya ay bahagi ng sikat na samahan nina Stephen Curry, Klay Thomopson, at Draymond Green.