Aarangkada na muli sa loob ng basketball court si two-time NBA MVP Stephen Curry sa darating na Marso 1 matapos na mabali ang kanyang kaliwang kamay noong Oktubre ng nakaraang taon.

Binigyan na nitong araw ng go-signal si Curry para makapaglaro muli sa Golden State Warriors matapos ang ilang buwang pagpapahinga.

-- Advertisement --

Sinabi ni Curry na sa kanyang pagpapahinga ay ibinuhos niya ang kanyang oras sa mga rehab, conditioning at skill work

Sa katunayan, excited na raw siya ngayong maglaro muli sa sa loob ng court.

Mayroon pang apat na natitirang laro ang Warriors bago harapin ang Washington Wizards sa kanilang balwarte sa Marso 1.

Sa ngayon mayroon pa lamang 12 panalo at 44 na talo ang Warriors sa kanilang mga nakalipas na laro.

Maaring resulta ito nang hindi paglaro ni Curry sa mga nakalipas na buwan, gayundin ang pagpapahinga ni Klay Thompson matapos namang makaranas ng knee injury.