-- Advertisements --
image 44

Nasa pinaka mataas na alert o antas na ang Mount Semeru ng Indonesia matapos na sumabog at nagbuga ng
maiinit na abo na umabot hanggang sa kalangitan.

Ang pagsabog ng pinakamataas na bundok sa pangunahing isla ng Java ng Indonesia sa paligid ng 800 kilometers sa timog-silangan ng kabisera ng Jakarta ay nagbunsod ng paglikas sa mga kalapit na lugar.

Nangangahulugan ito na ng mapanganib at pagbabanta sa mga naninirahan malapit sa nasabing bulkan

Nagbabala ang ahensya ng panahon ng Japan na maaaring dumating ang tsunami sa mga isla ng Miyako at Yaeyama sa southern prefecture ng Okinawa.

Sa ngayon, walang naiulat kaagad na nasawi o nasugatan matapos ang pagsabog ngunit binalaan ni Gunawan ang mga kalapit na residente na huwag bumiyahe sa loob ng walong kilometro (limang milya) mula sa bunganga matapos tumaas ang antas ng banta sa apat.

Matatandaan na huling sumabog ang Mount Semeru eksaktong isang taon na ang nakalilipas, na ikinamatay ng hindi bababa sa 51 katao.