-- Advertisements --

Ilang libong mga residente sa Mariposa County sa California ang inilkas dahil sa wildfire.

Ang nasabing sunog na mabilis kumalat ay makikita malapit sa Yosemite National Park.

Ilang kabahayan na rin ang tinupok ng nasabing malawakang sunog.

Idineklara na rin ni California Governor Gavin Newsom ang state of emergency dahil sa malaking sunog.

Aabot na sa mahigit 2,000 mga bumbero ang nagtulong-tulong para maapula ang nasabing apoy subalit hirap pa rin ang mga ito.