Nagdeklara na ng state of calamity ang lalawigan ng Cavite dahil sa outbreak ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang social media post kinumpirma ni Cavite Vice Gov. Jolo Revilla ang deklarasyon at pinayuhan ang mga kababayan na manatiling ligtas sa kanilang tahanan.

Pinaalalahanan din ng bise gobernador ang mga CaviteƱo na sundin ang guidelines ng gobyerno para sa kaligtasan.

Kahapon nang kumpirmahin ni Gov. Jonvic Remulla na may dalawa ng kaso ng nag-positibo sa COVID-19 sa lalawigan.