Hindi pa rin nagpapahuli ang SpaceX sa kabila nang hinaharap na coronavirus pandemic ng mundo dahil ipinagpatuloy pa rin nito ang isinagawang paglulunsad sa bagong batch ng internet-beaming satellites sa kalawakan.
Isinakay ang 60 Starlink broadband satellites sa Falcon 9 rockets na nag-take off sa Kennedy Space Center sa Florida.
Sa ngayon ay binabaybay na nito ang orbit kung saan magsisimula itong lumipad ng nasa 340 miles operational altitude.
Dahil sa launch na ito ay aabot na sa 400 Starlink satellites ang mayroon sa orbit.
Itinuturing ang Starlink bilang pinaka-malaking satellite constellation. Mayroon din itong regulatory approval na maglunsad ng halos 10,000 satellites.
Layunin ng Starlink na makapagbigay ng murang internet service sa ilang parte ng Estados Unidos at Canada ngayong taon at maging pinaka-mabilis na broadband sa buong mundo.
Direkta nitong kinukumpetensya ang mga ground-based providers tulad na lamang ng U-Verse, Fios at iba pa.
Maaari namang makapagbigay ito ng milyun-milyong revenue para sa SpaceX ngunit patuloy pa rin kakaharap ang kumpanya sa iba’t ibang kwestyon at hamon.