-- Advertisements --
image 332

Magpapadala ang Department of Energy ng isang electric vehicle, kasama ang isang energy converter sa Probinsya ng Albay.

Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, ang mga nasabing kagamitan ay magsisilbing emergency power supply sa mga evacuation center sa nasabing probinsya, sa mga panahon na may power interruptions.

Mahalaga aniya na may kaagad silang magagamit na supply ng kuryente, lalo at inaasahan na rin ang maraming mga consumer sa mga evacuation center kung saan pinapatuloy ang mga inilikas.

Binigyang diin din ng opisyal ang kahalagahan ng kolaborasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng pribadong sektor, sa mga oras na may nararanasang kalamidad.

Pagtitiyak ni Fuentebella, patuloy nilang babantayan ang anumang mga power interruption sa buong probinsya ng Albay, lalo na at hindi dapat matigil ang essential services sa mga residente, habang patuloy na binabantayan ang sitwasyon ng Bulkang Mayon.