-- Advertisements --

Minultahan ng China ng aabot sa $2-milyon ang isang comedy company dahil sa pagbibiro sa mga sundalo ng China.

Nagbunsod ito sa biro ni Li Haoshi na miyembro ng House comedy company ukol sa People’s Liberation Army.

Ginamit kasi nito ang slogan ng sundalo ng China na “Good style of work, capable of winning battles” sa kaniyang alagang aso habang hinahabol ang isang squirrel.

Ayon sa Municipal Culture and Tourism Bureau ng China na kanilang inimbestigahan si Li at napatunayan ito base sa mga video na kanilang napanood.

Dahil dito ay pinatawan ng $2.13-M na multa ang Xiaoguo Culture Media at kanila itong sinuspendi.

Tiniyak din ng mga kapulisan ng Beijing na magsasagawa rin sila ng imbestigasyon ukol sa nasabing usapin.