-- Advertisements --
image 211

Nakapagtala ng pinakamalaking kita ang Social Security System(SSS) kumpara sa iba pang mga government-owned or controlled corporations (GOCCs) nitong nakalipas na taong 2022.

Batay sa 2022 Annual Financial Report (AFR) on Government Corporations, hawak ng naturang ahensiya ang 18.85% ng kabuuang P1.727 trillion total income ng mga GOCC sa Pilipinas.

Umabot ito sa kabuuang P325.647 billion.

Pumangalawa dito ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na may P301.069. Hawak naman ng Philhealth ang 17.43% sa kabuuang kita ng lahat ng GOCC.

Pangatlo sa may pinakamalaking kita ay ang Government Service Insurance System (GSIS) na may kabuuang P282.435 billion. Ang naturang kita ay katumbas ng16.35%.

Kung maalalang noong 2021 ah hawak ng GSIS ang pinakamalaking kita kumpara sa iba pang mga GOCC sa bansa, ngunit pumangatlo lamang ito sa sumunod na taon.

Sa kabila nito, naitala naman ng SSS at GSIS ang pinakamalalaking nagastos para sa 2022, kumpara sa kanilang mga kapwa GOCC.

Ang SSS ay nakapagtala ng P273.35 billion; P207.334 billion para sa GSIS; habang ang Bangko Sentral ng Pilipinas(BSP) naman ang pumangatlo na may nagastang P172.056 billion.

Ang PhilHealth, na siyang pangatlo sa may pinakamalaking kita, ay nasa pang-apat na pwesto lamang at kumita ng P152.787 billion.